"Hindi mga dayuhan ang kalaban ng ating lipunan kundi ang ating mga sarili", iyan ang pinaka tumatak sa aking isipan na sinabi ng makatang si Luna. Maaring may mga taong sumasakop sa ating bayan ngunit tayo mismo ang nagiging sanhi kung bakit hindi natin nakakayanan ipaglaban ang ating bayan. Maaring naging mayabang at naging abusado si Luna sa kanyang kapangyarihan ngunit naiintindihan ko kung ano ang pinanggagalingan nito, ang kanyang galit sa dibdib dahil sa mga nasasaksihan at nalalaman nya na katraydor'an ng kanyang mga kapwa na may kapangyarihan sa lipunan. Tila mga alipin tayo ng kung ano man ang natatamasa natin sa ating buhay na pwedeng magbigay satin ng kapangyarihan upang mag manipula ng mga tao. Nasa indibidwal na lamang ito kung siya ay magpapa impluwensya sa napaka mapaglinlang nating kapaligiran. Isa pa sa mga pinakapaborito ko na linya na binitawan ni Heneral Luna ay nang kausap nya ang isang americano "english english'in mo ako nasa sarili ko akong bayan, Punyeta!"
Natutunan ko sa palabas na ito na hindi lamang ang mga taong nananakop sa atin ang sakim at uhaw sa kapangyarihan at kayamanan kundi tayo rin mismo na nakatira sa ating inang bayan. Hindi man natin ito ginagawa sa paraan na marahas at madugo, kundi pailalim at sa paraan na makakasiguro tayong hindi tayo mabubuko sa kung ano man ang ating layunin.
Kung ibabase ko sa aking pagkakaintindi, ang tema ng pelikulang ito ay para iparating sa mga tao na hindi lamang ang mga dayuhan ang may kasalanan sa lahat ng mga naganap na pananakop sa ating bansa kundi binibigyan din mismo natin ng butas ang mga ito upang makapasok sa ating bansa at sa ating kultura. Maaring may mga naiwan sila na hanggang ngayon ay tinatangkilik nating mga pilipino, na hanggang sa panahon ngayon ay ginagawa natin, ngunit isipin rin natin na minsan nilang sinakop ang ating bansa, pinatay ang ating mga kapwa pilipino. Kung kaya't isipin natin na hindi sa lahat ng aspeto ay "In" o "Cool" ang pagtangkilik sa mga ito.
Iilan sa nga Mise - en - scene na aking nakita ay noong naguusap ang Heneral at mga nakapailalim dito. Pinakita sa senaryong ito kung sino ang mas nakatataas ang posisyon at kung sino ang mas makapangyarihang magsalita.
Ang paghalik ni Aguinaldo sa kanyang ina bago mamatay si Bonifacio ay naganap din bago namatay si Luna. Na nagbibigay sakin ng ideya na may kinalaman talaga si Aguinaldo sa pagkamatay ng Dalawang Bayani.
Ang mga puting tela, damit, at iba pa sa kapligiran ay nagsisimbolo ng ka inosentehan at kagustuhang maging malaya.
Ipinakita rin dito ang likha ni Juan Luna na "Spolarium". Ito ay nang patayin ang kanyang kadikit na kapatid at ang kanyang kanang kamay. Nang sila ay pagtabihin pagtapos paslangin.
Namulat ako sa pelikulang ito kung ano ang katotohanan na nangyari sa ating bansa noong unang panahon na tayo mismong pilipino ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo naging alipin ng mga banyagang bansa.
-Mendiola, Francis Mitchell
I loved it. Suggestion ko lang po sana paki bago ang kulay ng background o kaya ang kulay ng text para naman mabasa ng maayos.
ReplyDeleteIto ang nagpapatunay na tayong mga pilipino taksil sa Kabaws natin pilipino na mas inuuna ang kapakanan sa ating mga hagarin kaysa sa ating sarili at kaya nasakop ang ating bansa dahil sa ibang pilipino na lapastangang nagtatraydor at ang mga lumalaban para sa ating bayan ay mamamatay
DeleteBackground is not friendly for reading. Black + dark red makes it difficult to read.
ReplyDeletenot readable.
ReplyDelete